Ano nga bang espesyal sa Friday sa aming mga OFW? Bakit pag Friday kami ay meron nararamdamang excitement, kiliti sa gala, pahinga muna sa work at magakrun ng time sa sarili. Dati ang Friday sa akin nuong ako ay nasa Cilegon (Indonesia) pa ay araw ng homesick. Sa aking first 3 years pagpatak ng 4pm, uuwi na akong mag-isa sa bahay from school at sisimulang magpatugtog ng Christian songs at puwesto para umiyak sa kama. Matapos ang isang CD tapus na drama ko at nakatulog na ako. 3 years na naging routine ng buhay ko yun. Pero nung matutunan kong gumala sa Jakarta sa bus mag-isa kahit travelling time kasama traffic ay 4 hours, kada Friday bago pumasok sa school bitbit ko na aking bag na malaki laman ay laptop, books at damit para magkarun ng weekend scapades sa mga tinuring na kabarkada. Isang taon naging makulay na pagluwas sa bus ang king Friday.
Nung ako mapunta sa Vietnam, ibang Friday naman. Sa anim na buwan at walang kakilala, ang Friday sa akin ay araw ng pag fa facebook hehehhe dun nagsimula ang addiction ko sa facebook. At nang ako ay bumalik sa Indonesia mas lalo pinaganda ni Lord ang Friday ko. Imagine ninyo ma meet ko si Pastor Ramon (tawag ko sa kanya Pastor) kasi He's serving the Lord.. at kasama sila Sir Ed Fuentes ako ay inalagaang umattend sa Friday Prayer meeting Group. Kung dating iyak ang laman ng Friday ko now puro kasayahan sa mga kaibigan, salita ng Diyos, at masarap na tumpukan sa harap ng lamesa.
Thank you Lord for a blessed Friday!.